Mataas na vax rate sa A2, A3 group ikokonsidera sa pagbaba sa Alert Level 1

Mataas na vax rate sa A2, A3 group ikokonsidera sa pagbaba sa Alert Level 1

February 4, 2022 @ 3:14 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kasama sa parameters ng pamahalaan sa pagsasailalim sa Alert level 1 ng isang lugar ang laki ng porsiyento ng mga nabakunahan ng nasa A2 at A3 group.

Ito ay ang grupo ng mga senior citizen at ang may comorbidities.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles, hindi bababa dapat sa 70 porsiyento ang bakunadong elders at mga nagtataglay ng comorbidities.

“Sorry, hindi natin pwedeng tanggalin iyong alert levels – sorry – hindi natin tatanggalin ang alert levels para just in case a new variant of concern or interest comes or nasu-surge ulit, mababalik agad natin sa Alert Level 2,” ayon kay Nograles.

“So maybe what we’re asking for is kailan tayo mag-a-Alert Level 1, which is what you’re saying na parang back to normal, but it’s new normal because dapat mataas iyong vaccination rate especially for the A2 and A3 ‘no. Para mag-Level 1 pala, which is our senior citizens and those with comorbidities, have to be 70% fully vaccinated or up or higher,” dagdag na pahayag nito.

Importante ani Nograles na masiguro na may proteksiyon ang nabanggit na hanay lalo’t malaki ang peligro na tamaan ng severe o critical ang mga ito kung hindi bakunado.

Sa ilalim kasi ng Alert level 1, sinabi ni Nograles na halos wala ng ipagbabawal na restriction gaya nang sa indoor at outdoor capacity habang pwede na ang intrazonal at interzonal movement sa lahat kabilang ang mga bata, mga senior at may comorbidities.

“And then, many of the establishments are adopting already iyong requirements natin for Safety Seal which is… para magkaroon ka ng Safety Seal is those establishments are already following the requirements for ensuring minimum public health standards are complied with in their workplaces.” Kris Jose