Nebrija: Mas maraming motorista nasita sa 2nd day ng expanded number coding scheme

August 16, 2022 @3:56 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Mas maraming violator ang nasita sa ikalawang araw ng implementasyon ng expanded number coding scheme, ayon sa opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes.
Sa isang public briefing, sinabi ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija na may kabuuang 1,588 violators ang naitala nitong Lunes.
“Ngayong araw na po ito, from 7 a.m. to 10 a.m. ngayong umaga ay nakapagtala po tayo ng 2,939 vehicles na na-apprehend po,” aniya.
“Pinagsabihan po natin yung mga motorista at mga drivers na ito upang sa ganun malaman po nila na effective na po yung expanded number coding,” dagdag ng opisyal.
Sinimulan ng MMDA ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme nitong Lunes na ikinasa mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at mula alas-5 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.
Ipinagbabawal sa daan ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, at 9 at 0 tuwing Biyernes kada nabanggit na oras.
Ayon sa MMDA, hindi sisitahin ng ahensya ang violators mula Agosto 15 hanggang 17 upang maipag-bigay alam sa publiko ang polisiya, subalit magsisimulang mag-isyu ng tiket sa Agosto 18.
Inabisuhan ni Nebrija ang mga apektadong motorista na planuhin ang kanilang travel at dumaan sa alternatibong ruta upang makaiwas sa traffic congestion. RNT/SA
Mga kababaihan bibigyang-boses ng Marcos admin sa polisiya, kaunlaran

August 16, 2022 @3:42 PM
Views:
22
MANILA, Philippines- Bibigyan ng administrasyong Marcos ng “boses” ang mga kababaihan sa mga usapin na may kinalaman sa “polisiya at kaunlaran”.
Ang pahayag na ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ay kasunod ng kamakailan lamang na oath-taking ng mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), interim government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Cruz- Angeles, sa 80 bagong miyembro ng BTA, 16 ang kababaihan.
“Ang balanseng representasyon ng kasarian sa pamahalaan ay mahalaga sa pagbuo ng mapayapang lipunan,” ayon kay Cruz-Angeles sa kanyang official Twitter account.
“…Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, patuloy ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na makilahok sa usapin ng polisiya at kaunlaran,” dagdag na pahayag nito.
Ang ratipikasyon ng Republic Act (RA) 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL) sa pamamagitan ng plebesito na idinaos noong 2019 ang nagbigay-daan para sa paglikha ng BARMM at pagtatatag ng BTA.
Kinabibilangan ng 80 miyembro na itinalaga ni Pangulong Marcos, ang BTA ay “governing body tasked to pass crucial legislation to operationalize the BOL and exercise legislative and executive powers during the region’s transition period.”
Ang 41 miyembro ng BTA ay nominado ng MILF, habang ang 39 na miyembro ay inendorso ng Philippine government.
Ang listahan ng mga miyembro ng BTA ay in-upload sa official Facebook page ng Bangsamoro government. Naglalaman ito ng mga pangalan ng 80 appointees, kabilang na si Ahod Ebrahim na itinalaga bilang BTA interim chief minister. Kris Jose
DepEd: Wala pang natatalakay sa extension ng enrollment

August 16, 2022 @3:28 PM
Views:
26
MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na ang enrollment para sa School Year 2022-2023 ay mananatiling hanggang Agosto 22 o sa unang araw ng klase lamang, dahil wala umanong natatalakay ukol sa pagpapalawig nito.
Sa isang public briefing, nanawagan si DepEd spokesperson Atty. Michael Poa sa mga magulang at guardian na i-enroll na ang kanilang mga anak at wag nang hintaying sumapit ang August 22 deadline.
“Hinihikayat pa rin natin ang ating mga magulang na hindi pa nakakapag-enroll na i-enroll na po agad ang kanilang mga anak. Huwag na po nating hintayin ‘yung August 22 na deadline,” panawagan niya.
“Sa ngayon po, wala pa po tayong extension na napag-uusapan. Sa ngayon, hanggang August 22 and deadline ng enrollment natin,” patuloy niya.
Hanggang nitong Martesm umabot na sa 21,272,820 ang kabuuang bilang ng enrolled learners para sa incoming academic year.
Sa bilang na ito, 18,722,393 ay mula sa public schools, 2,478,488 ang mula sa private schools, habang 71,939 ay mula sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).
Sinabi ni Poa na inaasahan ng DepEd ang 28.6 milyong enrollees para sa darating na school year.
Nagsimula ang bagong enrollment process para sa taong ito noong Hulyo 25,at pwedeng isagawa nang in-person, remotely, o sa pamamagitan ng dropbox forms. RNT/SA
Pagbili ng non-common use supplies, equipment para sa gov’t agencies sinuspinde ng PS-DBM

August 16, 2022 @3:14 PM
Views:
24
MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pagbili ng non-common use supplies and equipment (Non-CSE) para sa mga ahensiya ng gobyerno “until further notice.”
“I issued a directive suspending the procurement of non-common use supplies and equipment, effective immediately,” ayon kay PS-DBM Executive Director Dennis Santiago sa isang kalatas.
Malinaw na ang ibig sabihin nito ay hindi tatanggap ang PS-DBM ng kahit na anunang requests para sa Non-CSE procurement “until further notice.”
“This will allow us to focus on the fulfillment of our primary mandate, which is to procure CSEs,” ayon kay Santiago.
Ang PS-DBM ay may mandato na “to procure common-use office supplies, materials, and equipment such as, but not limited to, ballpens, papers, stapler, paper clips, folders, and the like for all government agencies.”
“Tatapusin na lamang po ‘yung procurement ng mga non-CSE na ongoing o nasa pipeline na hanggang sa sila’y makumpleto. Pero hanggang doon na lang po iyon. Pagkatapos noon, wala na. Lahat ng procurement, CSE na lang,” ang pahayag ni Santiago.
Ang suspension ng pagbili ng NCSE ay kasunod at sa gitna ng kontrobersiya na bumabalot sa Department of Education (DepEd) hinggil sa di umano’y overpriced at outdated laptops na binili para sa mga guro. Kris Jose
Mandatory Evacuation Center Bills, muling iginiit ni Bong Go

August 16, 2022 @3:00 PM
Views:
25