Matandang dalaga, 9 pa arestado sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

Matandang dalaga, 9 pa arestado sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

January 19, 2022 @ 3:35 PM 7 months ago


Bulacan-Arestado ang 59 anyos na dalagang drug personality na nagbenta at nahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Susan Barijas,residente ng Brgy.Tungkong Mangga.

Ayon sa imbestigasyon,nag-ugat ang operasyon dahil sa serye ng reklamo ng mga opisyal ng barangay sa pulisya tungkol sa illegal drug activities ng target.

Dahil dito,nagsagawa ng surveilance ang mga operatiba sa target at nang magpositibo ay agad nagsagawa ng operasyon.

Sinasabing nabilhan ng poseur buyer ang suspek ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000 kaya ito inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang 10 small heat sealed transparent plastic  sachets na hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item,coin purse at P1,000 marked money.

Samantala,siyam pa na drug suspects ang inaresto sa magkakahiwalay at magdamag na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa report,ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Guiguinto,Sta.Maria,Angat,Norzagaray,Bustos,Provincial Intelligence Unit at SJDM.

Nakumpiska ang nasa 24 sachets na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money. (Dick Mirasol III)