Matapos ang 3 dekada: Marcoses balik-Malakanyang na

Matapos ang 3 dekada: Marcoses balik-Malakanyang na

June 30, 2022 @ 10:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Malakanyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang courtesy call kay outgoing President Rodrigo Duterte bago pa pormal na maupo ito bilang halal na bagong Pangulo ng bansa.

Pasado, alas-10 ng umaga nang dumating si Marcos sa Malakanyang at personal na winelcome ni Duterte.

Nagsimula ang event sa Signing of the guestbook, kung saan lumagda si Marcos at ipinakita sa media ang kanyang pirma. sinundan ito ng maikling meeting o pagpulong sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos sa President’s Hall, Malakanyang.

Matapos ang maikling meeting ay sinundan na ito ng Departure Honors para kay Pangulong Duteret na ginawa naman sa Malacanan Palace, Grounds.

Matapos ito ay nagkamay ang dalawang lider at isa -isa namang kinamayan ni Pangulong Duterte ang miyembro ng kanyang gabinte bilang pagpapaalam.

Makaraan ito ay hinatid ni Marcos si Pangulong Duterte sa kanyang sasakyan.

Ramdam ang magkahalong emosyon sa mga taong nakasaksi sa pag-alis ni Pangulong Duterte sa Malakanyang dahil ngayong araw ang pagtatapos ng kanyang anim na taong termino bilang Pangulo ng bansa.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na “PRRD will fly via commercial flight back to Davao.”

Samantala, matapos sa Malakanyang ay nakatakda namang magpunta si Marcos sa National Museum of Fine Arts kung saan nakatakda siyang manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Kris Jose