Matapos ang 5 taon, Pinas may bagong silang na agila

Matapos ang 5 taon, Pinas may bagong silang na agila

December 8, 2021 @ 8:36 AM 10 months ago


DAVAO CITY — Isinilang ang ika-29 na Philippine Eagle nitong Sabado, Disyembre 4, ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF).

Sa pahayag ng PEF, si “Chick 29” ay nabiyak bandang 1:16 pm. Masusi namang mino-monitor ang sisiw sa Conservation Breeding Program.

Ang mga magulang ni Chick 29 ay sina Ariela at MVP Matatag, kapwa mga agilang nailigtas sa kagubatan.

“The chick started to pip at 12:03 pm on December 3 and took over 24 hours before it completely broke out of its egg,” dagdag pa ng PEF.

Giit pa ng PEF na “this was the fastest pip-to-hatch record in the PEF’s breeding program.”

Sa interbyu, sinabi ni PEF Executive Director Dennis Salvador na limang taon ang nakalipas bago maisilang ang isang Philippine Eagle.

Matatandaang noong 2016 ipinanganak si Sakura, pero nasawi rin matapos na makagat ng ahas.

Sinabi ni Salvador na ang pagkakapanganak ni Chick 29 ay “important because many of our old breeding birds have retired, and we’ve been working on new ones.”

“It took us this long for those pairings to work,” aniya pa.

“We share this milestone with the Filipino people who have supported us through their donations and helped keep the PEC a safe home for our national bird amid the COVID-19 pandemic,” dagdag pa niya. RNT