Matapos ang APEC summit, PBBM balik-Pinas na!

Matapos ang APEC summit, PBBM balik-Pinas na!

November 20, 2022 @ 8:00 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Balik Pilipinas na Sabado ng gabi, Nobyembre 19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Bandang 10:39 ng gabi ng lumapag si Marcos kasama ang kanyang delegasyon sa Manila.

Sa kanyang naging ulat, sinabi ni Marcos na nagkaroon siya ng pagkakataon na makabahagi sa diskusyon ng 21 member economy leaders at representatives sa usapin ng climate change, supply chain, food supply, digitalization at women empowerment.

“It was a very useful and productive process,” he said.

“It is very encouraging because the problems we have identified seem to be the same problems for most of the countries. In other words, we have a consonance of views and analysis on the things that are of concern,” pagbabahagi ng Pangulo.

Kasabay din ng summit, hinimok ni Marcos ang APEC member economies na tumugon sa mga pagsubok na dala sa service sector partikular na sa shipping at logistics sectors, na itinuturing na backbone ng global trade at investment.

“The ultimate aspiration is for the APEC region to return to its old role as a driver of the global economy. And if we do all the things that we are planning to do that will come back,” dagdag pa ni Marcos.

Nanawagan din umano siya sa mga lider ng APEC na tumugon sa climate change at palaguin pa ang digitalization sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“You start off talking about the economy, [and then] you end up somehow at some point talking about climate change. I think there will be a very strong push,” aniya.

“They now know me and they know what I’m about. They know what the Philippine position is on several issues,” dagdag pa ni Marcos. RNT/JGC