Matapos ang isa’t kalahating oras na ‘routine medical checkup: Pangulong Duterte, handa na sa kanyang SONA

Matapos ang isa’t kalahating oras na ‘routine medical checkup: Pangulong Duterte, handa na sa kanyang SONA

July 23, 2018 @ 9:41 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nasa maayos na kalusugan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ilang oras bago pa siya humarap sa sambayanang filipino para sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA).

“He was declared to be in good health,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Kinumpirma ni Sec. Roque na sumailalim sa ‘routine medical checkup’ sa Cardinal Santis Hospital si Pangulong Duterte kagabi bago pa ang kanyang rehearsal para sa kanyang Ulat sa Bayan ngayon sa Batasang Pambansa.

Umabot aniya ng isang oras at kalahati ang routine examination ng Pangulo.

Magugunitang, makailang beses nagreklamo ng pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan ang pangulo dahil sa umano’y Buerger’s diseas at Barrett’s esophagus na nakakaapekto umano sa kanyang lalamunan.

At sa kasagsagan ng kanyang flight mula sa Seoul, Korea noong nakaraang buwan ay nagsuka siya dahil sa migraine. Kris Jose