Matapos ang isyu sa Paskotitap, FB page ni Eusebio na-hack

Matapos ang isyu sa Paskotitap, FB page ni Eusebio na-hack

December 10, 2021 @ 9:19 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Pasig mayor Robert “Bobby” Eusebio na na-hack umano ang kanyang Facebook page ilang araw matapos ang kontrobersyal niya na post ukol sa “Paskotitap” sa Pasig.

Sa Facebook post ni Eusebio, sinabi niya na hindi niya na ma-access ang kanyang page simula noong Disyembre 2, bandang 11:22am.

“Agad naming itong naiparating sa Facebook, at sa pakikipagtulungan ng aming IT expert ay masaya kong ipinararating na atin na pong nabawi,” ani Eusebio.

Ang kanyang post naman na tumutuligsa sa kakulangan ng Christmas decoration noong Disyembre 2 ay nabura na.

Matatandaang sinita ng dating alkalde ang tila-walang buhay na Pasig ngayon dahil sa kakulangan ng mga dekorasyon pang-Pasko.

Sinagot naman ito ni incumbent Pasig Mayor Vico Sotto at sinabing mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagbibigay ng food packs sa Kapaskuhan kaysa sa mga dekorasyon.

“Ako, bilang mayor, kung anong mas gusto ng tao, ‘yun ang binibigay natin using their funds. Hindi lang kung ano ‘yung gusto ko, kundi kung ano ‘yung gusto ng tao,” ani Sotto.

Hindi naman direktang sinagot ni Sotto ang hacking incident issue ni Eusebio pero sa pagsagot niya sa kanyang mga kritiko ay pinayuhan niya ito na maghinay-hinay at huwag masyadong uminom ng ampalaya juice.

“O baka naman na-hack ka lang din?” anang alklade. RNT