Aniya, dahil bagito si Saycon sa tinatawag na established communication protocols ay sasabihan niya ito hinggil sa standard operating procedures ng Office of the Spokesperson lalo pa’t kabilang na siya sa four-man panel.
“I’ll have to tell him to be more careful about what he says to the public and to the media, and that there is vetting processes ‘no before we’re able to say anything to the media. So I will discuss with him the communication protocols of the government,” ayon kay Sec. Roque.
Sinabi pa ni Sec. Roque na wala siyang alam sa naging pahayag ni Saycon kaugnay sa posibilidad na paggamit sa simbahan upang pabagsakin ang Duterte administration kung kaya’t ganito na lamang ang galit ng pangulo.
Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo ay hindi nila alam kung saan kinuha ng pastor ang naturang impormasyon.
“Well alam mo naman, kasi wala pa akong pagkakataon i-discuss kay Boy iyong Palace protocol on communication. Para din ‘yan iyong mga dating bagito sa gobyerno. I remember, we’ve also had to brief Commissioner Belgica on Palace protocols on communication ‘no. So siguro ano lang ‘yan, dahil bagito pa lang sa gobyerno, so we will give them a thorough briefing on how we go about releasing information to the public,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Hindi rin aniya nila iniisip na may nagpa-planong destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte na gagamitin ang Simbahang Katolika.
“Hindi po, hindi po. In the first place kampante po ang Presidente sa kaniyang pananampalataya, kampante ang simbahan sa kanilang misyon sa bayang ito. Ang ninanais lang natin para iyong dalawang institusyon ay makapagsilbi ng mas mabuti para sa ating lipunan,” aniya pa rin. (Kris Jose)