Matapos maghatid ng liwanag sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Cebu at Bohol: Meralco linemen, binigyan ng heroes’ welcome

Matapos maghatid ng liwanag sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Cebu at Bohol: Meralco linemen, binigyan ng heroes’ welcome

February 1, 2022 @ 5:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Matapos ang isang buwan ng pagtulong na maibalik ang koryente sa mga lugar na napinsala ng bagyong Odette sa Visayas, nakauwi na ang mga magigiting na crew ng Manila Electric Company (Meralco).

Binigyan ng isang mainit na heroes’ welcome ang 43 na lineman, engineer at kontraktor ng Meralco na dumating sa North Harbor Pier sa Maynila noong ika-26 ng Enero. Kinilala ang kanilang ipiamalas na kabayanihan matapos boluntaryong sumabak sa power restoration effort na ginawa ng Meralco sa Cebu at Bohol.

Bahagi ang mga tauhang ito ng mahigit 140 na contingent na ipinadala ng Meralco sa Cebu at Bohol upang mapabilis ang pagpapabalik ng serbisyo ng kuryente dito.

Ani Ronneil Reyes, isang foreman mula sa Meralco Pasig Sector na kabilang sa mga sinalubong noong nakaraang linggo, ngayon lamang siya hindi nakapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kaniyang pamilya pero masaya naman siyang nakatulong sa mga residenteng nagtitiis na walang koryente sa Cebu.

“Basta full effort po kami. Kahit umulan po o umaraw, kahit gabi po nagtatrabaho po kami para mapabilis lalo ‘yung restoration,” sabi ni Reyes.

Batid naman ng Meralco ang bayanihan at malasakit na ipinamalas ng mga linemen at engineers.

“We want them to know that we appreciate all their sacrifices because it is not easy to be away from their family especially during Christmas and New Year,” pahayag ni Meralco Senior Vice President and Head of Networks Ronnie L. Aperocho.

“Extending help to our fellow Filipinos within and outside our franchise area, especially when it comes to power, has always been part of our DNA. We are very blessed to have employees who understand this and also exemplify malasakit, which is one of our core values,” dagdag pa niya.

Isa sa mga tumulong sa Meralco na makapagpadala at maiuwi ang mga linemen at engineers, at gayundin ang mga trucks at equipment ay ang grupo ng 2Go.

“Thanks to the bayanihan of so many stakeholders, including our partners, our kababayans severely affected by the typhoon are now recovering,” ayon kay Jeffrey O. Tarayao, pangulo ng One Meralco Foundation (OMF).

“I would like to express gratitude to 2Go and its team for helping us bring our trucks and other vehicles needed to support the power restoration work in Cebu and Bohol,” he added.

Bukod sa pagtulong na makabalik ang mga pinadalang linemen at engineers, kasamang ring iniuwi ng 2Go ang 23 na sasakyan ng Meralco na ginamit sa power restoration efforts.

Nagpasalamat rin si 2Go Vice President and Head of Shipping Dan Fernan sa mga kasama sa pagtulong sa Cebu.

“As a native of Cebu, I want to express my heartfelt and deep personal thanks to OMF and to all the linemen who helped re-power Cebu. I was there a few days after the typhoon, and it was really devastated,” sabi niya.

“It’s very heartening to see that we have partnerships with very good organizations that at least allow us to help out,” dagdag pa ni Fernan.

Pagbibigay liwanag sa Cebu at Bohol

Isa sa matinding pagsubok na kinaharap ng probinsya ng Cebu ang matinding sirang tinamo ng mga pasilidad ng koryente, kung kaya naging mahirap para sa mga distributors at cooperative dito na agarang maibalik ang serbisyo.

Mahigit na 80 na linemen at engineer at 21 na sasakyan ang ipinadala ng Meralco upang tumulong sa Visayan Electric Co. (VECO) at Mactan Electric Co. (MECO) na mailawan na ang lahat ng tahanan at gusali sa probinsya.

“We appreciate the sacrifices made by Meralco linemen and engineers who spent their holidays away from their families in solidarity with the crew of distribution utilities and electric cooperatives in our province,” pahayag ni Elias O. Baquero, direktor ng Cebu City Cooperative Development Council, isang espesyal na organisasyon ng lokal na pamahalaan ng Cebu City.

“Even if we are outside its franchise area, Meralco was among the first to help Cebu. We have witnessed not only their dedication to provide electricity service but also their compassion for their fellowmen who were severely affected by the typhoon,” dagdag niya.

Sa probinsya naman ng Bohol, agad ring nakipag-ugnayan ang Meralco sa pamahalaan at mga power distributors. Sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), naging mabilis ang pagpasok sa probinsya ng mga kinatawan ng Meralco na inatasang tumulong sa pagsusuri ng pinsala sa lugar. Tinulungan ng Meralco ang Bohol Light Company, Inc. at Bohol II Electric Cooperative (BOHECO 2), mga lokal na distribyutor ng koryente sa lugar.

Halos 60 na engineer at mga lineman ang tumulong para mapabalik ang serbisyo ng koryente dito. Kabilang din sa mga ipinadala ng kompanya ang 13 na sasakyan at 30 na generator set.

Halos walang humpay ang pasasalamat ni Bohol Governor Arthur Yap sa mga tumutulong sa Bohol, katulad ng Meralco, sa kanyang sariling Facebook Page.

Sa isang post ay kinilala ni Yap ang kasipagan na ipinamalas ang malaking tulong na dulot ng mga tauhan ng Meralco. Aniya: “No weekends, no holidays for Meralco team as they work on full restoration of BOHECO 2 – Bien Unido’s backbone connection… It is truly in your DNA to serve beyond your service areas. Daghang Salamat!”

Nagpasalamat din si Yap sa ipinadalang 30 generator sets ng OMF sa probinsya. Ang mga nasabing generator set ay gagamitin sa pagpapatakbo ng pumping at refilling station ng tubig sa lugar.

Tuloy ang pagtulong ng Meralco

Matapos ang ginawang pagtulong sa Cebu at Bohol, nagpadala na rin ng grupo ang Meralco sa mga probinsya ng Surigao del Norte at Siargao sa Mindanao upang tumulong sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng koryente.

Halos 50 na na mga engineer at lineman at 11 sasakyan ang kasalukuyang nasa Surigao del Norte at at Siargao para tulungan ang mga electric cooperatives dito.

Bukod sa pagpapadala ng teknikal na tulong sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette, nagsagawa rin ng mga relief effort ang OMF at nagpadala ng mga generator sets na napakinabangan ng mga residente para ma-charge ng kanilang mga cellphone at mga emergency light. Nagpamahagi rin ito ng higit 140 solar torch sa mga residenteng apektado ng bagyo sa lugar at sa Dinagat Island.

Bilang tulong sa pagtiyak na mayroong sapat na supply ng pangunahing mga pangangailangan sa araw-araw ang mga nasalanta, nagpahamahagi ng 3,000 relief packs ang OMF sa mga lugar ng Bohol, Southern Leyte, Palawan, at Cebu.