Matapos masapul ng COVID-19: Kondisyon ni PBBM, ‘greatly improved’- Malakanyang

Matapos masapul ng COVID-19: Kondisyon ni PBBM, ‘greatly improved’- Malakanyang

July 10, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maayos na ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos magpositibo sa COVID-19 test.

Sa isang kalatas, tinuran ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, sinabi ng  personal physician ni Pangulong Marcos na si Dr. Samuel Zacate, Sabado ng tanghali na ang kalusugan ng Punong Ehekutibo ay “greatly improved with only mild symptoms with no fever, no loss of taste and smell sensation.”

Makikita aniya sa  physical examination na ang lalamunan ni Pangulong Marcos ay  “clear of any inflammation” at wala aniyang “ sign of respiratory distress or pneumonia.”

Ang  vital signs nito ay “within normal limit and he will be subjected to further laboratory examination as may be needed.”

“His personal doctor, Dr. Zacate, reported Saturday that the President is doing well and very much in stable condition,” ayon kay Cruz- Angeles sabay sabing pinayuhan si Pangulong  Marcos na sumailalim sa 7 araw na  home isolation.

Nauna rito, kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 si  Pangulong Marcos  matapos sumailalim sa isang antigen test.

Mayroong nararamdamang sintomas ang Pangulo tulad ng lagnat, ayon kay Cruz-Angeles.

Samantala, tiniyak ni Cruz-Angeles na ipinagpapatuloy ni Pangulong Marcos ang kanyang  home medications  at  nasa ilalim ng close monitoring ni Dr. Zacate hanggang makompleto ang kanyang home isolation period. Kris Jose