Daghang salamat, Manny! You are truly the People’s Champ!
Masayang binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pambansang Kamao Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao sa pagkapanalo nito kay Lucas Matthysse para sa WBA welterweight belt,
Isang malaking karangalan aniya ang ibinigay ni Pacquiao sa bansa at sa sambayanang filipino.
Pinatunayan aniya ni Pacquiao na hindi lamang siya public servant kundi isa sa pinakamagaling na boksingero magpakailanman.
“I would like to congratulate Senator Manny Pacquiao for giving us pride and bringing the Filipino nation together once more. You have proven time and again that you are not just a public servant, but one of the greatest boxers of all time. This win will surely cement, yet again, your position and legacy in boxing’s Hall of Fame,” ayon kay Pangulong Duterte.
Nawa’y ipagpatuloy abiya ni Pacquiao na magbigay inspirasyon sa mga filipino hindi lamang sa larangan ng boksing kundi maging sa public service.
Para naman kay Presidential spokespersn Harry Roque, isa ang Malakanyang sa nagbunyi kasama ang sambayanang filipino sa matagumpay na laban ni Pacquiao.
Pinasalamatan nito si Pacquiao hindi lamang sa pagbibigay karangalan at tagumpay sa watawat ng Pilipinas at bansa kundi dahil muli nitong pinag-isa ang sambayanang filipino.
“The Palace is one with the Filipino people in celebrating this tremendous feat. We thank our Pambansang Kamao for not only bringing honor and glory to our flag and country but once again uniting Filipinos here and abroad with his display of courage, tenacity and will power,” ayon kay Sec. Roque sabay sabing “Mabuhay ka, Manny! Mabuhay ang Pilipinas!” (Kris Jose)
Photo courtesy: SAP Bong Go