Matataas na kalibre ng baril, bala nasamsam sa barangay kapitan sa Isabela

Matataas na kalibre ng baril, bala nasamsam sa barangay kapitan sa Isabela

May 29, 2022 @ 2:47 PM 4 weeks ago


ISABELA – Matataas na kalibre ng baril at bala ang nasamsam ng mga otoridad sa isinasagawang pagsalakay sa bahay ni  Kapitan Jessie Eder Sr. kung saan kasamang dalawang anak ang inaresto sa Buyon, Cauayan City.

Batay sa inilabas na search warrant ni Honorable Reymundo L. Aumentado, Executive Judge Ng Regional Trial Court Second Judicial Region Cauayan City ay hinalughog ang tahanan ng pamilyang Eder.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nakarekober ang kapulisan ng 3 piraso ng caliber 45; 4 na piraso magazine for caliber 45; 1 piraso ng Improvise caliber 22; 1 piraso 12 gauge shotgun;  2 piraso improvise shotgun; 2 sling bags; 4 live ammunition for 12 gauge shotgun; 1 empty magazine for m16 rifle; 1 pc grenade launcher; 1 piraso hand granade; 1 piraso Black Hollster; 14 piraso live ammunition for caliber 45; 10 pcs live ammunition for caliber 38 revolver; 4 pcs Live ammunition for 12 gauge shotgun; 1 piraso live ammunition for caliber 38; 1 pc caliber 38 revolver at 35 piraso live ammunition ng m14 rifle.

Kasabay nito, agad na inaresto si kapitan Jessie Eder Sr y  Butac, 61 anyos, Jessie Eder Jr. may asawa, magsasaka at anak ni kapitan at isa pang anak niya na si Rogue Eder, 40 anyos, binata na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Barangay Kapitan Jessie Eder Sr., aminado siya na  may baril na kalibre 45 na paso na ang lisensya at shotgun na ipinamahagi ng kapitolyo ng Isabela na kanila naman umanong ginagamit sa kanilang barangay kapag nagroronda ang mga tanod.

Pansamantala nakadetine ang tatlo sa lock-up cell ng Cauayan City Police Office habang inihahanda ang kasong may kaugnayan sa paglabag sa R.A 10591 na kilala sa An Act Providing Comprehensive  Law in Firearm and ammunition  and Providing penalties thereof at RA 9516. Rey Velasco