Matataas na opisyal ng Russia, na-COVID-19; Putin nag-self isolate

Matataas na opisyal ng Russia, na-COVID-19; Putin nag-self isolate

September 14, 2021 @ 7:33 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MOSCOW, RUSSIA – Inihiwalay ngayon ni Russian President Vladimir Putin ang sarili mula sa iba at sa publiko makaraang tamaan ng COVID-19 ang matataas na opisyal ng kanyang bansa na lagi nitong kasama.

Inanunsyo mismo ni Putin ang self-isolation makaraang kumpirmahin ng mga doktor ang pagiging positibo ng kanyang mga opisyal.

Ginawa ni Putin ang aksyon kahit bakunado na ito nang kumpleto laban sa COVID-19 ng Sputnik V na sariling gawa ng Russia.

Bago naganap ito, dumalo pa ito sa mga pampublikong okasyon gaya ng pagbati sa mga Russian paralympian, pagsaksi sa ehersisyo militar ng Russia at Belarus at personal na pakikipagpulong sa Pangulo ng Syria na si Bashar Assad.

Sa gitna nito, tiniyak ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na negatibo si Putin sa sakit at malusog na malusog ito.

Sinabi naman ni Putin na hihiwalay man siya sa publiko, ipagpapatuloy nito ang kanyang paggampan ng tungkulin. Fred Cabalbag  


  •  
  •  
  •