Matataas na pinuno ng PNP at CBCP, nagpulong

Matataas na pinuno ng PNP at CBCP, nagpulong

June 28, 2018 @ 2:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagsagawa ng pagpupulong ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para talakayin ang gusot sa pagitan ng simbahan at pamahalaan partikular na sa usapin sa kampanya kontra ilegal na droga.

 

Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durana Jr., personal na nakipagkita si PNP chief Director General Oscar Albayalde kay CBCP Public Affairs head at Permanent Council member Bishop Rey Evangelista at Secretary General Marvin Mejia sa tanggapan ng CBCP sa Intramuros, Maynila.

Ipinahayag ni Durana na tinalakay rin ng pulisya at Simabahang Katolika ang serye ng pagpatay sa mga pari sa bansa.

Naganap ang pagpupulong ilang linggo matapos ang pananambang kay Father Richmond Nilo na ikatlong pari na pinaslang mula Disyembre.

Matatandaang mariin ding kinundena ng CBCP ang gyera ng administrasyon kontra iligal na droga dahil sa mga ulat ng paglabag umano sa karapatang pantao. (Jeff Gallos)