MATATAG ANG PANANALAPI NG PHILHEALTH

MATATAG ANG PANANALAPI NG PHILHEALTH

September 23, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


NILINAW ng pamunuan ng PHILHEALTH o ng Philippine Health Insurance Corporation na nanatiling matatag ang pananalapi ng state-run health corporation at handang makapagbigay ng serbisyo at makapagbayad ng mga pinansiyal na obligasyon nito sa mahaba-habang panahon.

Lumabas kasi sa isang balita ang sinasabing net loss projection ng PHILHEALTH na aabot sa P57 billion pesos simula taong 2021.

Paliwanag ni Eli Dino Santos, PHILHEALTH officer-in-charge, noong taong 2021, nakapagtala ang
ahensiya ng P32.84 billion pesos na kita na mas mataas pa ng P2.8 billion pesos kumpara sa taong
2020.

Ang nasabing kita ay naibawas na ang P140 billion pesos para sa benepisyo ng mga miyembro.
Gayundin, tumaas ng 27% ang assets nito na umabot sa P347.48 billion pesos noong taong 2021.
Nasa P188 billion pesos din ang reserve fund o naitatabing pera ng PHILHEALTH hanggang nitong June 2022 na higit na malaki ng 6.7% kumpara sa P176.6 billion pesos noong taong 2021.
 

Tumaas ang collection efficiency ng PHILHEALTH mula sa direct contributors, maging ang national
subsidy na para sa mga indirect members, at kita mula sa tamang investments.
Sa kasalukuyan, matatag ang pananalapi ng PHILHEALTH at kaya nitong sagutin ang benepisyo ng mga miyembro at manatiling maayos ang implementasyon ng Universal Health Care.

                                                                          -ooOoo-

305 SUPER HEALTH CENTERS, ITATAYO SA BUONG BANSA

May pondong P3.6 billion pesos ang nakalaan sa 2022 Health Facilities Enhancement Program ng DOH o Department of Health na para sa konstruksyon ng 305 super health centers sa buong bansa.
Ang Super Health Center ay mas malaki kaysa sa isang RHU o Rural Health Center pero hindi  
kasing laki ng isang ospital.

Mayroon itong birthing facilities, laboratories, pharmacy, dental services, out-patient department, comprehensive PHILHEALTH out-patient department, at isolation area for emergency cases. Pangunahing tututukan nito ang mga emergency cases para hindi na kailangan pang dalhin sa mga ospital ang mga pasyente.
 

Bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, mas maraming super health
centers ang gustong maitayo ni senator Christopher Lawrence “Bong” Go lalung-lalo na sa malalayong bayan o iyong tinatawag na mga geographically isolated and disadvantaged areas para maipaabot ang gamutan sa lahat ng Pilipino.