Matet, ligtas sa Noranians; comment box, nilmitahan!

Matet, ligtas sa Noranians; comment box, nilmitahan!

December 12, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Alam n’yo bang ligtas si Matet de Leon sa expected nang pamba-bash ng mga Noranians?

Ayon sa source ng Remate Online, ine-expect na raw ng aktres ang walang katapusang pamba-bash sa kanya ng mga tagahanga ni Nora Aunor.

Kamakailan nga’y inalmahan ni Matet ang pakikipagkumpitensya ng adoptive mother nang maglabas ito ng mga ibinebentang gourmet tuyo at tinapa, exactly Matet’s products na negosyo nila ng asawang si Mickey Estrada.

To this day, wala pang reaksyon ang Superstar.

Balita kasing ayaw na raw nitong patulan ang mga hanash ni Matet, hoping that the issue will die a natural death.

At para nga raw makaiwas si Matet sa further bashing ng mga Noranians ay limitado lang ang maaaring magbigay ng kanilang reaksyon sa comment box ng kanyang social media account.

Limitado as in only Matet’s friends have access to the comment box.

Siyempre nga naman, since kaibigan nila ang aktres ay hindi siya para i-bash ng mga ito.

Samantala, looking forward ang mga Noranians to watching their idol on TV again.

Ito’y sa isang episode ng Wish Ko Lang sa GMA.

Sa ngayon, hindi pa inire-release ng istasyon kung saan iikot ang kuwento at maging ang airing date. Ronnie Carrasco III