Matet, may babala sa Noranians!

Matet, may babala sa Noranians!

December 8, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Tiyak na magre–react ang mga Noranians sa pahayag ni Matet de Leon na ang ate niyang si Lotlot de Leon ang maayos na nagpalaki sa kanilang magkakapatid. That time ay sobrang busy raw ni Nora Aunor sa showbiz at si Lotlot ang tumayong ina at nagpalaki sa kanila.

Tila binalewala ni Matet ang ginawang pagmamahal sa kanilang magkakapatid ng Superstar na siyang umampon sa kanya at iba pa. Pero kung sa palagay ni Matet na si Lotlot ang totoong nagpalaki sa kanilang magkakapatid ay marapat lang siyang magpasalamat.

Ayon pa kay Matet, hindi siya naglabas ng video at naglabas ng tampo sa ina para umingay at pag-usapan siya dahil hindi sa ganoong paraan sila pinalaki ni Lotlot. Pinuri rin ni Matet ang mga anak ni Lotlot dahil mababait daw ang mga ito dahil na rin sa ginawa niyang pagpapalaki sa kanila.

Ang latest ay bina-bash na nga si Matet ng Noranian na agad naman niyang sinagot na itutuloy niya ang pagre-release ng screenshots ng chat nila ni Nora para patunayan na alam nito na maglalabas siya ng bottled products. Nangako na gagawin niya ito kapag hindi siya tinigilan i-bash.

Nag-warning pa si Matet na marami pa siyang ilalabas kapag hindi tumigil ang nga bashers.

Remember, may hanash kasi si Matet nang naglabas din ng negosyo si Ate Guy nang kapareho sa sa dating child star.

Kinol-out pa nga ngayon ni Matet ang kapatid niyang si Kenneth dahil tila siya ang lumalabas na katulong ni Nora sa kanyang bottled food business.

Matatandaan na si Lotlot ang unang nagkaroon ng sama ng loob kay Nora at kamakailan ay nagkabati na rin ang dalawa,

Tapos ngayon, kung kailan magpapa-Pasko ay si Matet at Nora naman ang nagkakatampuhan.

Comment ng isang fan, sana ay joke lang ang nangyayari sa mag-ina.

Hindi naman nakapagpigil ang isa pang fan na magpahayag na dapat ay isipin daw ni Matet na kung hindi siya inampon ni Ate Guy ay saan siya pupulutin ngayon.

Hindi pa raw ba sapat ang binigyan sila ng Superstar ng magandang tirahan at makilala sila sa showbiz?

Anyway, sana lang ay hindi na lumala pa ang tampo ni Matet sa kanyang ina. Gerry Ocampo