Matet, tinawag na laos, sinupalpal ang basher!

Matet, tinawag na laos, sinupalpal ang basher!

December 7, 2022 @ 12:49 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Palaban kung palaban si Matet de Leon basta’t nasa katwiran siya.

Nakatikim lang naman ang isang basher niya sa Instagram.

Ayon sa basher  “Papansin ka lang. Laos ka na kasi. Ampon is real. Sabi mo ampon ka, dapat tumanaw ka ng utang na loob sa nagpalaki sa iyo.”

Obyus na ang tinutukoy ng basher ay si Nora Aunor na nag-ampon kay Matet.

The country’s Superstar has three other adopted children: Lotlot, Kiko and Kenneth.

Rumesbak naman si Matet sa paraang nang-iinis at sarcastic.

Anito, “Hindi po nalalaos ang mga supporting actors. Mga bida lang po (laughing emoji).”

Apparently, may kinalaman ang bashing na ‘to kay Matet nang isapubliko niya ang kanyang sama ng loob kay Nora.

Pinalagan kasi ni Matet ang pakikipagkumpitensya sa kanya ng adoptive mother by introducing to the market the same food products na negosyo niya.

Ayon sa kuwento ni Matet, nagising na lang daw siya mula sa kasarapan ng kanyang siesta nitong November 30 sa mga litratong ipinadala ng ina.

In photo were bottled gourmet tuyo and tinapa labeled as Ate Guy’s, gayong aware naman daw ang ina na may ganitong existing business ang anak at asawang Mickey Estrada.

Nasabi tuloy ni Matet na, “Ang lakas makaampon ng ginawa nila.”

Hindi raw kasi magagawa ng magulang sa totoong anak ang ginawa ni Nora.

Lalo raw ipinamukha kay Matet na ampon lang siya.

Duda ni Matet na kung hindi si Nora ang may pakana na kumpitensyahin siya, tiyak na kagagawan daw ‘yon ng mga taong nakapalibot sa kanyang adoptive mom.

Walang ibang tinutukoy si Matet kundi si John Rendez na long-time friend ni Nora. Ronnie Carrasco III