Matibay ng ugnayan ng Pinas sa Japan, Australia asahan

Matibay ng ugnayan ng Pinas sa Japan, Australia asahan

October 5, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of National Defense (DND) na nananatiling matibay ang ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Japan at Australia.

Sa isang statement nitong Miyerkules, Oktubre 5 sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na nakipagkita si DND officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr. kina Japanese Defense Minister Yasukasu Hamada at Australian Deputy Prime Minister kasama si Defense Minister Richard Marles sa pagbisita nito sa Hawaii noong Setyembre 30 upang dumalo sa pagpupulong na binuo ng US Indo-Pacific Command.

“The discussions during the meeting revolved around the current security developments in the region, particularly the situation in the South and East China Seas, and ways to strengthen Philippines-Japan bilateral defense cooperation through possible conduct of maritime cooperative activities, technology transfers, and dialogues at all levels, in order to address shared security challenges and advance cooperation,” ani Andolong.

Dagdag pa niya, nagkasundo umano si Faustino at Hamada na pag-usapan ang framework of cooperation na magpapalalim pa sa bilateral relations ng dalawang bansa at suportahan ang isa’t isa sa ligtas at panatag na pamayanan.

Inilirawan din na dalawa na napapanahon ang naturang pagpupulong at magandang pag-segunda sa series of meetings naman na ginawa nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida kasabay ng United Nations General Assembly noong nakaraan buwan.

Nagpalitan naman ng pananaw sina Faustino at Marles sa mga usapin pangseguridad sa Asia-Pacific region.

“They also explored ways to strengthen Philippines-Australia bilateral defense relations through maritime cooperation activities, counter-terror trainings, education, and professionalization opportunities, as well as dialogues and consultations to address shared security challenges and advance common interests,” pagbabahagi ni Andolong. RNT/JGC