Matigas na ‘batuta’ ng tanod, pinasubo sa parlorista

Matigas na ‘batuta’ ng tanod, pinasubo sa parlorista

August 14, 2022 @ 1:55 PM 2 months ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng all around stylist sa salon at spa matapos puwersahang ipasubo sa kanyang bibig ang ari ng tanod sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ang suspek na si Mang Lito, 52, Brgy. Tanod habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Gel”, single, kapwa residente ng Brgy. Borol 2nd.

Sa report, nangyari ang insidente bandang  2:00 ng madaling araw nitong Agosto 11 sa nabanggit na lugar.

Base sa report, habang pauwi ang biktima nang makatagpo ang suspek na umanoy may mahalay na pagnanasa hanggang sa puwersahang ipinasubo sa kanya ang ari nito.

Sinasabing walang nagawa ang takot na biktima sa makamundong pagnanasa ng suspek.

Nang makakuha ng tiyempo ang biktima ay humingi ng saklolo sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek at isinuko sa istasyon ng pulisya kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape (sexual assault) habang nakakulong sa istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III