Matik na civil service eligibility sa 5 taong kontraktwal sa gobyerno, isinusulong sa Senado

Matik na civil service eligibility sa 5 taong kontraktwal sa gobyerno, isinusulong sa Senado

August 7, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon na ng pagkakataon ang lahat ng “casual” o “contractual” na empleyadong matagal nang naninilbihan sa gobyerno na maging regular – na may karapatan sa karampatang benepisyo.

Ito ang nilalaman ng Senate Bill 234 ni Sen. Robin C. Padilla na magbibigay ng civil service eligibility sa lahat casual at contractual na nakaabot ng hindi bababa sa limang taon tuloy-tuloy sa serbisyo.

“It is high time that we grant eligibility to our committed casual or contractual employees of the government in order to open opportunities for higher salaried positions, boost their morale and keep them motivated, and enhance their productivity to the benefit of the public,” ani Padilla.

“For the longest time, the government has gained notoriety for denying its employees opportunities to be regularized,” dagdag niya.

Ani Padilla, tinaya ng Civil Service Commission na 660,390 sa 2.4 milyong empleyado sa gobyerno noong 2017 (27%) ang “job order” o “contract of service” ang status. Karamihan sa kanila ay hindi ma-regular dahil walang silang civil service eligibility.

“Most of our casual or contractual government employees cannot seek regular employment because they are not civil service eligible,” ayon sa mambabatas.

Dagdag ni Padilla, may ibang mga special laws, regulations at orders na nagbibigay ng eligibility sa mga “qualified individuals” tulad ng Bar/Board eligibility, Barangay Health Worker Eligibility, Barangay Nutrition, Scholar Eligibility, Barangay Official Eligibility, Electronic Data Processing Specialist Eligibility, Foreign School Honor Graduate Eligibility, Honor Graduate Eligibility, Sanggunian Member Eligibility, Scientific and Technological Specialist Eligibility, Skills Eligibility Category II, at Veteran Preference Rating.

Sakop ng panukalang batas ni Padilla ang mga casual o contractual na empleyadong nakasilbi sa gobyerno ng hindi bababa sa limang taon, at nasa first level career civil service positions sa clerical, trades at custodial service.

Dapat walang pending administrative case at hindi na-convict sa krimeng may kinalaman sa “moral turpitude, disgraceful o immoral conduct, dishonesty, examination irregularity, drunkenness or addiction to drugs.”

Hindi rin dapat dishonorably discharged sa military service o dismissed for cause sa anumang civilian position sa gobyerno ang naturang empleyado.  Ernie Reyes