Matildas silat sa Aussie team

Matildas silat sa Aussie team

January 25, 2022 @ 4:34 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Taas-noo pa rin ang mga Pinay bagamat nakasagap ng 4-0 na pagkatalo laban sa mga kamay na powerhouse Australia sa AFC Women’s Asian Cup 2022 sa India Lunes ng gabi.

Ito ang naging pahayag ni head coach Alen Stajcic, kasunod ng buong pagmamalaki sa determinasyon na ipinakita ng Philippine women’s national football team laban sa Aussies, na nasa ranked 11th sa mundo at paborableng manalo sa torneo.

“An outstanding performance,” paglalarawan ni Stajcic sa ipinakitang puso ng Filipinas sa paglalaro laban sa  Matildas sa Mumbai Football Arena.

Paboritong-paborito ang Australia sa bakbakan kontra Pilipinas squad na nasa ranked 64th  ng FIFA, lalo na makaran ang 18-0 na pagdemolis sa  Indonesia sa una nilang Group B match noong Biyernes.

Nagpakabog pa ang  Filipinas sa  first half at hindi pinaiiskor ang  Australia at pinairita ang  star striker na si Sam Kerr. Umabot pa ng halos 50 minuto bago naipasa ni Kerr kay Steph Catley sa isang corner ang bola at maka-goal.

“I couldn’t be any prouder of the way that they fought and battled, and the effort was outstanding, against a really, truly world-class team,” buong pagmamalaking wika ni Stajcic na pamilyar na sa diskarte ng Matildas dahil nai-coached na niya ito mula  2014 hanggang 2019.

“For our players to step up to that level and be able to hold them for 50 minutes, and really only concede off a corner and to Sam Kerr — who is probably the best hitter of the ball in the last 10 or 15 years in women’s football — it just shows the resilience that the team showed, the fight, the effort,” dagdag niya. JC