Matinding galit, tinitingnan motibo sa pagpatay sa brodkaster sa Negros

Matinding galit, tinitingnan motibo sa pagpatay sa brodkaster sa Negros

September 29, 2022 @ 3:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matinding galit ang isa sa mga tinitingnan motibo ng pulisya sa pagpatay sa mamamahayag sa Mabinay, Negros Oriental noong Setyembre 18.

Ayon kay Lieutenant Colonel Roland Desiree Lavisto, hepe ng Provincial Police Community Affairs Development Unit, inamin ng suspek na si Charles Amada na galit ito sa broadcaster na si Rey Blanco dahil umano sa paulit-ulit nitong paninira sa kanya at kanyang pamilya sa programa nito sa radyo.

Dagdag pa ng suspek, isa rin umano ang kanyang manugang sa tinuligsa ng biktima.

Matatandaan agad na sumuko sa pulisya si Amada ilang sandali lamang makaraan niyang saksakin si Blanco, radio anchor sa Power 102.1.

Napag-alaman rin na bago ang pagpatay, nagbanta si Amada na papatayin nito si Blanco na hinamon naman ng biktima. RNT/JGC