Matinding trapik ibinabala ng NLEX management

Matinding trapik ibinabala ng NLEX management

February 8, 2022 @ 11:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay-abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) para sa inaasahan ang matinding trapiko ngayong araw, Pebrero 8 dahil sa kaganapan sa Philippine Arena bunsod ng Halalan 2022.

Sa kabilang banda, nagpatupad na ang NLEX ng traffic rerouting nagagawin sa mga sumusunod na toll plaza:

  • Mga pasukan at labasan sa Ciudad De Victoria pahilaga at timog;

  • Marilao northbound at southbound entries at exits;

  • Bocaue Barrier;

  • Mga labasan sa Bocaue Interchange pahilaga at timog;

  • Tambubong northbound exit;

  • Balagtas northbound exit; at

  • Tabang northbound exit.

 

“Take alternative routes and allot more time for travel,” dagdag pa sa abiso ng NLEX management .

Matatandaang ngayong araw isasagawa nina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang proclamation rally sa Philippine Arena sa Bulacan.

Magsisimula ang BBM-Sara UniTeam proclamation rally sa alas-4 ng hapon. RNT