Matteo, bet ang bangus-sisig ni Sarah!

Matteo, bet ang bangus-sisig ni Sarah!

November 13, 2020 @ 5:35 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Nagpapasalamat ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang mister na si Matteo Guidicelli dahil naging gabay niya ito kung paano mas mai-secure ang kanilang future.

 

Ito raw ang tumatayong adviser pagdating sa iba pa niyang investments.

 

“Mas business oriented kasi si Mat so sa kanya ako humihingi ng advice,” aniya.

 

“Iba siya sa situwasyon noon na iba ang nagma-manage ng finances ko,” dugtong niya.

 

Sa ngayon, nag-a-adjust pa rin si Sarah sa kanyang bagong papel bilang maybahay at homemaker.

 

Aniya, marami siyang natutunan sa pagsabak sa buhay may-asawa, bagay na hindi niya naranasan noong dalaga pa siya. At isa na rito ang pagluluto.

 

Ngayon, halos eksperto na raw siya sa pagluluto ng mga putaheng tulad ng kare-kare, pinakbet, bangus sisig at tuna empanada.

 

Hirit pa ni Sarah, kahit may pagkapihikan ang mister ay wala itong itulak-kabigin sa mga niluluto niya.

 

“Bet niya lahat kasi may kasamang tender loving care,” pagbibiro niya.

 

Kamakailan lang, nag-trending ang music video ni Sarah kung saan ay inendorso niya ang mga produkto ng Hanabishi. Archie Liao


  •  
  •  
  •  

Loading...