Matteo Guidicelli, sasabak na sa indie film

Matteo Guidicelli, sasabak na sa indie film

July 29, 2018 @ 4:10 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kasalukuyang gumagawa ng isang Indie film ang aktor na si Matteo Guidicelli.

Aminado ang Filipino-Italian na aktor na marami ang nagbago sa kaniya simula noong sumabak siya sa showbiz lalong lalo na sa kaniyang pagsasalita ng tagalong.

Gumaganap bilang “Lakam” si Guidicelli sa prime time series na “Bagani”.

“I guess yung Tagalog ko, gumaling yung Tagalog ko, siyempre Tagalog dito sa “Bagani.” Yung mga dialogue dito ang lalim, but it’s a challenge,” sabi ni Guidicelli

Dito niya ibinunyag na siya ay gumagawa ng Indie film pero hindi nagbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa pelikula.

“I’m shooting indie film while doing “Bagani” until next month, ‘yun pa lang,” sabi niya.

“He’s a director from Cebu, his name is Kerwin Go. This one is his first full length movie ‘yung ginagawa namin,” sabi pa ni Matteo.

Ayon sa actor, kakaibang karakter ang gagapanan niya sa independent film na talaga namang kaabang-abang.

“It’s out of the box, the character especially I’ll be playing it’s different, so ‘yun ang interesting talaga,” pahayag pa ni Matteo.

Bukod sa pag-arte si Guidicelli ay isa ring modelo, karting driver, triathlete at singer. Remate News Team