Matthysse, memorize na raw ang galaw ni Pacman

Matthysse, memorize na raw ang galaw ni Pacman

July 5, 2018 @ 7:52 PM 4 years ago


Nagyabang si WBA regular welterweight champion Lucas Matthysse na isang pamatay na kanan niya lang ang tatapos kay Pinoy Champ Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ayon kay Matthyse, alam na niya ang galawan ng boxing legend dahil nakita niya na malaki ang ipinagbago nito kumpara noong mga nakalipas na taon.

Dagdag pa ng Argentinian boxer, pwede ring ang kaliwa niyang kamao ang magpapabagsak kay Pacquiao.

Bukod kasi sa alam na niya ang mga diskarte ng kalaban, handa ang kanyang mabibilis at malalakas na kamao para sumalubong sa kanya.

Samantala, nauna rito ay nagparamdam na rin ang kabilang kampo na nakita nila ang apoy ngayon kay Pacman para muling magkampeon kaya siguradong delikado anila sa kanya si Matthyse.

Si Matthyse ay tutulak na rin patungo ng Kuala Lumpur habang si Pacman naman ay inaasahang bibiyahe na sa Lunes.

Magaganap na ang laban ng dalawa sa July 15, araw ng Linggo. (Remate News Team)