Maulap na kalangitan, asahan sa Metro Manila

Maulap na kalangitan, asahan sa Metro Manila

March 21, 2019 @ 6:35 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Maaapektohan ng ridge of the High Pressure Area (HPA) ang hilaga at gitnang Luzon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Dahil dito, aasahan ang maulap na kalangitan sa Metro Manila at natitira pang bahagi ng Luzon.

Makararanas naman ang Visayas, Mindanao at Palawan ng maulap na kalangitan na may panakanakang pag-ulan dala ng ng localized thunderstorms. Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na manatiling nakaalerto sa posibleng pagbaha dahil sa malakas na ulan./Remate News Team