Maulap na kalangitan, isolated rainshower sa NCR, mararanasan

Maulap na kalangitan, isolated rainshower sa NCR, mararanasan

June 21, 2022 @ 6:46 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang tagaytay o ridge ng High Pressure Area (HPA)sa silangang bahagi ng Luzon ngayong Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang buong kapuluan ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang timog na direksyon habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:28 a.m. at lulubog ng 6:28 p.m. RNT