Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa localized thunderstorm

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa localized thunderstorm

June 8, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ang ridge ng High Pressure Area (HPA) ay makaapekto sa silangang bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Ang kanluran at hilagang bahagi ng Hilagang Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin na kumikilos sa timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang timog habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:26 a.m., habang lulubog ito sa 6:24 p.m. RNT