Maulap na kalangitan, kalat na pag-ulat mararanasan sa Cagayan Valley, 4 pang lugar

Maulap na kalangitan, kalat na pag-ulat mararanasan sa Cagayan Valley, 4 pang lugar

April 2, 2022 @ 8:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng northern Luzon ngayong araw, Sabado, habang makaaapekto naman ang easterlies sa silangnag bahagi ng southern Luzon, Visayas, at Mindanao, ayon sa PAG-ASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, at Mountain Province will na may kalat na pag-ulan at pagkidlat dahil sa shear line na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sakaling lumakas ang ulan.

Gayundin, inaasahan ang parehong panahon sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Bohol, at Davao Oriental.

Samantala, magiging bahagyang maulap naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na may isolated na pag-ulan at pagkidlat dahil sa easterlies / localized thunderstorms.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:51 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:08 ng hapon. RNT/SA