Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan ngayong araw – PAGASA

Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan ngayong araw – PAGASA

December 27, 2022 @ 6:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magdadala pa rin ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang northeast monsoon o amihan at shear line sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw, Disyembre 27.

Ito ang iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung saan inaasahan ang pag-iral ng amihan hanggang sa pagtatapos ng taon partikular na sa Luzon.

“Dito sa Luzon area, patuloy pa rin ang makulimlim na panahon na may mahihinang paguulan diyan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at Bicol Region, samantalang maulap na papawirin na may kalat kalat na pagulan ang mararanasan pa rin diyan sa Palawan area,” ani Pagasa weather specialist Raymond Ordinario.

“Ang nalalabing bahagi ng Luzon, including Metro Manila, ay magkakaroon ng maaliwalas na panahon maliban na lang sa mahihinang pagulan,” dagdag pa niya.

Samantala, maulap na kalangitan at may malawakang pag-ulan ang asahan sa Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng shear line.

Samantala, mas maayos na panahon naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Samantala, wala namang naitatalang low-pressure area o bagyo na posibleng mabuo sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

“Lumiliit na ang tiyansa magkaroon ng bagyo, bago matapos ang 2022,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC