Maureen na-trauma kay JK, nagparinig?

Maureen na-trauma kay JK, nagparinig?

January 24, 2023 @ 7:50 AM 1 week ago


Manila, Philippines – May kakaibang hugot si Maureen Wroblewitz na naibahagi niya sa isang TikTok video.

Sa video, nag-dub siya ng sariling lyrics sa kantang ‘Flowers’ ni Miley Cyrus.

Ayon sa kanya, siya raw ay kasalukuyang nasa healing stage mula sa kanyang trauma sa dating relasyon niya.

Aniya, sa isang relasyon na open daw sa publiko, hindi alam ng marami ang totoong nangyari.

” I have lost myself over the past few years and I’m finally realizing who i really am. I am working on myself and healing from past trauma because I don’t want to make the same mistakes.

“Maybe one day I’ll be ready to speak about it because I know it could help a lot of people,” aniya.

Hirit pa niya, hindi raw siya nagsalita tungkol sa kanyang ex kundi sa kanyang naging karanasan.

“The focus of this TikTok is not my ex but my personal experience! I’ve been dealing with mental breakdowns because of my past experience for 8 months,” paliwanag niya.

May mga nagmamaldita namang nag-opinyon na hiwalay na siya sa dyowang ipinagpalit niya sa ex na si JK Labajo.

May iba namang nagbigay ng kuro-kuro na hindi pa rin umano siya nakaka-move on sa trauma ng kanyang pakikipagrelasyon sa ex na si JK kahit pinangununahan na niya na hindi tungkol sa ex ang kanyang hugot.

Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nag-viral ang litrato ni Maureen kasama ang good-looking guy na hinihinalang dyowa niya. Archie Liao