Maureen, nag-sorry sa palihim na pagsali sa Miss U

Maureen, nag-sorry sa palihim na pagsali sa Miss U

July 21, 2021 @ 7:28 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA – Nag-sorry ang Asia’s Next Top Model (AsNTM) Season 5 winner na si Maureen Wroblitz sa kanya umanong ‘white lies’ nang sagutin ang mga katanungan patungkol sa kanyang planong pagsabak sa Miss Universe Philippines.

“Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as it was, I had to keep this a secret,” pahayag niya sa kanyang Instagram post noong Martes.

“First and foremost, I would like to thank you for the overwhelming support. Please know that I very much appreciate all the love and your kind words. This is the new chapter I’ve talked about in a recent post and I humbly ask for your continued support.” dagdag pa niya.

Gayunpaman, nilinaw rin niya na totoo ang kanyang mga pahayag sa interview patungkol sa pagsabak sa mundo ng pageant kapag handa na siya.

Natatakot rin umano si Maureen na mabuhay sa pagsisisi.

“I don’t want to grow old thinking that I should’ve joined, alternatively I would like to say ‘I’m glad I’ve joined.’ I’ve learned to stop saying ‘one day’ and instead I say ‘day 1.’ I hope through this I inspire you to reach for the Universe. It’s all up to you. You can achieve anything you put your mind to and sometimes if you believe hard enough the Universe will conspire in helping you succeed,” pagpapatuloy niya.

Pinasalamatan din ni Maureen ang Diyos ang ‘universe’ at ang mga taong tumulong sa kanya lalong higit ang Miss Universe Philippines Organization para sa oportunidad na ito.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin naman ang pagsuporta ng kanyang fans sa kanyang mithiin, mula sa pagsali niya sa AsNTM S5 hanggang sa pagsabak niya sa larangan ng pageant. -RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •