Mavy, hinalikan si Kylie, netizens, kinilig!

Mavy, hinalikan si Kylie, netizens, kinilig!

November 25, 2021 @ 12:23 PM 3 days ago


Manila, Philippines – Kilig to the nerves ang netizens matapos mahuli sa aktong binibigyan ng forehead kiss ni Mavy Legaspi ang rumored girlfriend na si Kyline Alcantara.

Makikita ito sa isang video clip na pinagkakaguluhan ngayon on Tiktok. Nag-uusap ang dalawa habang nakaharap sa computer ng bigyan si Kyline ng halik ni Mavy.

Nagulat naman si Kyline at pinaalala kay Mavy na they were being recorded.

“Naka-video!” saad ni Kyline.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng sweetness ang dalawa sa isa’t isa.

Noong birthday ng young actress ay may sweet message si Mavy sa kanyang Instagram account.

Bukod sa kilig on all social media platforms, nagpapakilig din ang dalawa sa seryeng I left My Heart In Sorsogon kung saan magkatambal sila.

“Totoo na kaya ang relasyon nila o pakilig lang para sa serye? Bakit iba ang sweetness?” sigaw ng netizens! Paula Jonabelle Ignacio