Mavy, may rebelasyon kay Kylene!

Mavy, may rebelasyon kay Kylene!

October 8, 2022 @ 9:25 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa latest vlog ng magkasintahang sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naging open ang una sa pagkukuwento kung kailan niya naramdaman na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa huli.

“The first time na na-realize ko na hindi lang kaibigan si Kyline para sa ‘kin is ‘yung nagiging close na tayo (Kyline) sa AOS (All Out Sundays),” simulang sabi ni Mavy.

Pagpapatuloy niya, “Umalis na si Cassy (Legaspi, kakambal niya) para mag-prep for First Lady and all that. Tayo na lang naging close kasi umalis na si Migo (Adecer), na nangibang bansa.

“Tapos there was a time na kami ni Ky, medyo awkward nu’ng una kasi galing tayo sa apat, eh.

“After that mas nagiging close and all that tapos siyempre nag ha-heart to heart [talk] na. Kyline, always open up to me about everything. As in everything.

“And during those times mas na-realize ko na ‘Shocks, I really want to protect this girl,’ iba na talaga ‘yung feeling. Hindi ‘yung protect her as my friend. But iba na ‘yung pagmamahal ko sa kanya na I don’t want anyone to ever hurt her again.

“Kapag may mga issue ka, nahe-hurt din ako, two times, three times for you. If you’re going through something, nahe-hurt din ako. Doon ko na-realize na shocks, iba na talaga ‘yung feeling na ‘yun.

“Kapag nakikita kita anytime we have work, nag-i-slow mo ka. Madalas siya nangyayari sa stage (ng All Out Sundays) kapag lumalabas ka. ‘Yan ‘yung slow mo moment ko. At nasasabi kong, ‘Shocks, tumitibok na yung puso ko,’” mahabang sabi ng aktor.

Talagang tinamaan pala si Mavy kay Kyline, huh! Syempre, kinilig naman si Kyline sa rebelasyon ng boyfriend. Rommel Placente