Mavy, sinita ni Sharon; Carmina, natawa!

Mavy, sinita ni Sharon; Carmina, natawa!

November 24, 2022 @ 3:43 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Nitong November 23, kinongratuleyt ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang anak na si Miel Pangilinan.

Miel is Sharon’s younger daughter by former Senator Kiko Pangilinan, the other being Frankie.

Sa kauna-unahan kasing pagkakataon ay solo si Miel bilang cover o pabalat ng Nylon magazine.

Tampok din sa nasabing babasahin si Mavy Legaspi at si Kendra Kramer.

Sharon also posted her congratulatory message to Mavy.

In return ay nagpasalamat naman ang isa sa mga kambal ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Pero tila naloka ang Megastar sa form of address sa kanya ni Mavy who posted: “Thank you ms.”

Kaagad namang nagpost ng reaksyon si Sharon, “Bakit ms.? Hindi mo ba alam that your mom is my sister? We share the same birthday pa nga.”

Sharon and the Legaspi twins Cassy and Mavy share the same birthday: January 6.

“Ate sis” naman ang tawag ni Carmina kay Sharon.

Kabuntot pa ng message ni Sharon kay Mavy: “Tell your mom I miss her, too. I love her.”

Although pabiro lang naman ang ginawang paninita ni Sharon kay Mavy, she understands fully well na patunay na marespeto ang binatang anak ng Legaspi couple.

Alam naman natin na anuman ang pag-uugali ng anak is always reflective of his or her parents.

Tinawanan lang naman ni Carmina ang biro ni Sharon. Ronnie Carrasco III