Max Collins, absent sa family dinner nina Pancho Magno, hiwalay na talaga!

Max Collins, absent sa family dinner nina Pancho Magno, hiwalay na talaga!

January 25, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mapagmasid o observant talaga ang mga netizen.

Sa biglang tingin kasi, halatang may kakatwa sa litratong ipinost ni Pancho Magno sa Instagram Stories kamakailan lang.

Family dinner photo ‘yon in honor of his mother Redgie Acuna-Magno who has just retired as Vice President for Entertainment Drama.

In the photo, conspicuoulsy absent si Max.

Dahil dito’y maraming netizen ang nag-post ng kanilang mga curious questions.

Kabilang doon ang “Bakit wala si Max?”, “Hiwalay na kayo ni Max, ano?” and other similar inquiries.

Ni isa’y walang nireplayan si Pancho.

Kung tutuusin, noong isang taon pa kalat na kalat ang tsismis na hiwalay na sina Max at Pancho.

There was even a time na magkabukod nilang binigyan ng themed birthday party ang kanilang anak.

Despite persistent talks, walang pag-amin o pagtanggi ang nagmula sa kanilang dalawa.

Ano nga ba talaga kasi ang real score kina Pancho at Max: are they still a couple o hiwalay na? Ronnie Carrasco III