Max Eigenmann at at newbie actor, big winners sa Cinemalaya!

Max Eigenmann at at newbie actor, big winners sa Cinemalaya!

August 17, 2022 @ 8:41 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Inanunsyo na ang mga nanalo sa ika-18 edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Waging best actress si Max Eigenmann para sa pelikulang 12 Weeks kung saan tinalo niya si Janine Gutierrez (Bakit Di Mo Sabihin?), Peewee Ohara (Retirada),  Coleen Garcia (Kaluskos), Kate Alejandrino (Bula sa Langit), samantalang ang newbie actor na si Tommy Alejandrino ang tinanghal na best actor para sa The Baseball Player kung saan pinataob niya sina Gio Gahol (Bula sa Langit), Andrew Ramsay (Ginhawa), JC de Vera (Bakit Di Mo Sabihin?) at Joem Bascon (Angkas.)

Best supporting actress naman si Ruby Ruiz para sa Ginhawa samantalang naiuwi ni Soliman Cruz ang tropeo para sa best supporting actor para sa Blue Room.

Tinanghal namang best full-length feature film ang The Baseball Player samantalang best short film ang Black Rainbow.

Panalo rin bilang best director sa full length category si Ma-an L, Asuncion-Dagñalan para sa Blue Room at Gabriela Serrano para sa Dikit sa short film category.

Best screenplay awardees naman ang The Baseball Player ni Carlo Obispo (full length category) at Black Rainbow ni Zig Dulay (short film category).

Wagi rin sa kategoryang best cinematography at best production design ang Blue Room samantalang tinanghal na best editing ang The Baseball Player.

Panalo rin ng best original musical score ang Retirada at best sound design ang Bula sa Langit.

Ginawan naman ng Special Jury Awards ang mga pelikulang Blue Room sa full-length category at Dikit sa kategoryang short film.

NETPAC awardees para sa full-length feature category Ang 12 Weeks ni Isabelle Matutina at Black Rainbow ni Zig Dulay para sa short film category.

Audience Choice awardees naman ang mga pelikulang Kargo ni T. M Malones (full-length category) at Mga Handum Nga Nasulat Sa Baras nina Arlie Sweet Sumagaysay at Richard Jeroui Salvadico (short film category). Archie Liao