Maxene, hiwalay na sa asawa, pinagbantaan ang mga ‘Marites’!

Maxene, hiwalay na sa asawa, pinagbantaan ang mga ‘Marites’!

January 3, 2022 @ 3:42 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Maraming netizens ang napaisip, hiwalay na ba sina Maxene Magalona at Rob Mananquil? O on the rocks ang buhay mag-asawa?

Nagulat kasi ang fans ng aktres matapos nitong tanggalin sa Instagram handle ang last name ng asawa.

Dinagdagan pa ito ng fact na they don’t follow each other on IG.

Hindi tinantanan ng fans sa pagtambak ng questions si Maxene. Pero ang aktres, hindi nagpatalo at sinupalpal ang mga Marites.

Saad nito, hindi tamang magtanong sa isang tao ng tungkol sa personal na buhay nito kahit na kilala mo pa ito.

Mas mabuti aniyang hintayin mo na sila mismo ang mag-open up.

Tsika tuloy ng Marites sa socmed, malamang ay on the rocks nga kasi kung walang issue, mabilis tumanggi. Oops

2018 nang magpakasal sina Rob at Maxene.

Quits na nga ba ang buhay mag-asawa nila?

Wait natin sila mag-talk, sabi nga ni Maxene.

Huling namataan ng netizens ang aktres na nag-Boracay mag-isa base na rin sa kanyang IG posts.

Para sa mga abangers ng istorya, may banta si Magalona, “Don’t come to my page for gossip”. Paula Jonabelle Ignacio