Maxene, inalala si Kiko, nakatanggap ng libreng green tea!

Maxene, inalala si Kiko, nakatanggap ng libreng green tea!

October 6, 2022 @ 3:40 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nitong nakaraang October 4, the late master rapper Francis Magalona would have turned 58.

Taong 2009 nang pumanaw ang sikat na singer sanhi ng cancer.

All throughout his battle with cancer, nanatiling matatag si Kiko (palayaw niya).

To this day, ayon sa isa sa mga anak niya na si Maxene, ay ginugunita ng kanilang pamilya ang naiwang alaala ng ama at ng musika nito.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Maxene ang sinabi noon ni Francis sa isang interview.

Ayon sa noo’y buhay pang rapper, masuwerte raw siya’t naging isang recording artist siya.

Na kahit mawala raw siya sa mundo ay pakinggan lang ang kanyang mga awitin at mananatili siyang buhay.

“In essence, music is life. Music is immortality.”

At patunay raw na nariyan pa rin si Francis ay ang pagpaparamdam nito kay Maxene.

Kuwento nito, papunta raw siya sa isang shoot sa mismong kaarawan ng ama nang maisipan niyang tumigil sa isang bilihan ng green tea.

Maya-maya raw ay inabutan si Maxene ng customer receipt entitling her a free green tea.

Pakiramdam daw ni Maxene ay regalo ‘yon sa kanya ng ama.

Pagkatapos ng shoot, Maxene and her brothers ate at one of their father’s favorite restaurants.

Nakahiligan daw kumain si Francis doon dahil sa mga cool chefs nito na naghahanda ng kanilang pagkain.

Ramdam daw ng magkakapatid, Francis is watching over them anywhere and everytime. Ronnie Carrasco III