Maxene, sabit sa Angel-Neil alleged split-up!

Maxene, sabit sa Angel-Neil alleged split-up!

November 16, 2022 @ 1:46 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – May dapat daw ipaliwanag si Angel Locsin sa kanyang mga masugid na tagahanga.

Unang-una na raw ay kung buntis ito sa asawang si Neil Arce.

Ikalawa’y may katotohanan daw bang on the rocks ang marriage nila ni Neil?

May kabuntot na tanong ang ikalawang inquiry: totoo raw ba na ang umano’y dahilan ng pagkakalabuan ng couple ay dahil nagkabalikan si Neil at dati nitong nobyang si Maxene Magalona?

Sa mga hindi nakakaalam, Maxene was Neil’s girlfriend way before Bela Padilla came into his life, pero si Angel ang pinakasalan nito.

And as the public knows, hiwalay na si Maxene sa asawa nitong si Rob Mananquil nito lang October.

Pinalalabas kasi ng ibang mga vloggers na may balikang nangyari kina Neil at Maxene na mitsa ng Angel-Neil separation.

Kataka-taka raw kasi ang kakatwang pananahimik ni Angel sa Instagram.

August pa raw ang mga huling posts nito tungkol sa kanilang trip to Spain.

Nagdaan din daw ang bagyong Paeng pero walang paramdam si Angel.

Kinasanayan na raw kasi ng mga kababayan natin ang pagtulong ni Angel tuwing may kalamidad.

Ang pinagtatakhan ng marami, kahit ang kumare nilang si Dimples Romana ay clueless sa whereabouts ng mag-asawa. Ronnie Carrasco III