May 2 ‘middleman’ sa Lapid slay-PNP

May 2 ‘middleman’ sa Lapid slay-PNP

October 21, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police na dalawa ang sinasabing middleman o kumontrata sa mga killer ng batikang brodkaster na si Percy Lapid, ayon kay Southern Police District director Brig. Gen. Kirby John Kraft.

Paglilinaw ni Kraft na ang inmate na namatay ay iba sa “middleman” na naunang binanggit ni Interior Secretary Benhur Abalos na nasa loob ng jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Dalawa yung middleman na kumontak sa kanila. Yung isa nga po nandidito po sa BJMP, so sinecure natin ‘yan. Kaya nga po nagkakaroon ng autopsy para malaman po kung ano ang tunay na nangyari sa isa,” said Kraft in a press briefing.

Ang pahayag ay kasunod ng balitang namatay na sa kulungan noon pang Oktubre 18 ang 42 anyos na preso na sinasabing middleman sa pagpatay kay Lapid base na rin sa pagsisiwalat ni Justice Secretary Crispin Remulla noong Huwebes.

Agad namang iniatas ni Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng autopsy.

Samantala, sa panig naman ni Abalos na sisiguraduhin ng mga awtoridad na may mananagot kung may foul play sa pagkamatay ng preso. RNT