MAY “AUCTION OFF” ANG PAG-IBIG FUND SA WESTERN VISAYAS REGION

MAY “AUCTION OFF” ANG PAG-IBIG FUND SA WESTERN VISAYAS REGION

October 17, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


SA mga Ilonggo na naghahanap ng residential units sa Iloilo, may isinasagawang “auction off” ang HDMF o ang Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund kaugnay sa obserbasyon ng National Shelter Month ngayong buwan ng Oktubre 2022 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 662. 

May ginaganap na housing exhibits sa pangunguna ng Pag-IBIG Fund Bacolod Housing Center sa Plaza Uno, Robinsons Mall Iloilo, Deca Homes 2 Club House at sa SM Iloilo.

Mayroong 216 na available properties kung saan 81 ang nasa first public auction at ang karamihan ay under negotiated sale.

Paglilinaw ng Pag-IBIG Fund, ang mga properties ay hindi lamang nasa Iloilo kundi kalat-kalat sa Western Visayas region.

Bukas ang auction kahit sa mga hindi miyembro ng Pag-IBIG Fund pero kailangang mabayaran ng cash o short-term installment sa loob ng labingdalawang buwan, habang ang miyembro ay sa pamamagitan ng long-term payment na hanggang thirty (30) years.

-ooOoo-

 SIYAM SA BAWAT SAMPUNG PILIPINO, NABABAHALA SA FAKE NEWS

LUMABAS sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na siyam sa bawat 90% ang nababahala sa paglaganap ng fake news o pekeng mga impormasyon sa internet.

Lubhang nababahala ang mga senador na sina Nancy Binay at Jinggoy Estrada sa paglaganap ng “misinformation and disinformation” sa kasalukuyan.

Kaya naman, inihain ni senator Estrada ang Senate Bill No. 1296 na kikilala sa fake news bilang isang criminal offense at nagbibigay ng kaparusahan sa nagpapakalat ng mali-maling impormasyon.

Sabi pa ng senador, ang iresponsableng balita at impormasyon ay magdudulot ng maling desisyon at opinyon sa nakararami na nakaaapekto sa interes ng publiko.

Sakop nito ang lahat ng social media apps at maging ang mga social media influencers, bloggers at vloggers.

Ayon kay senador Binay, hindi na kakailanganin pa ang isang bagong batas kontra fake news kundi ang pagkakaroon ng “non-government watchdogs” na maaaring makapagtama ng balita at impormasyon.

Kadalasang biktima ng fake news ang mga sikat na personalities, artista, politicians, mga nasa akademya, historyador, at mga nasa pampubliko at pribadong sektor.