May bookies pa rin ang STL

May bookies pa rin ang STL

July 16, 2018 @ 6:48 AM 5 years ago


 

Wala pa ring tigil sa operas­yon ang bookies ng Small Town Lottery sa buong Pangasinan kaya naman patu­loy na inirereklamo ng mga religious group at iba pang sektor na kontra sa iligal na pa­­sugalan.

Sa impo, ginagamit ng sin­dikato ng bookies ang prang­kisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office bilang front ng kanilang operasyon. Maging ang mga ID ng PCSO na animo’y isang lapida sa laki na nakapangalan ang isang alias Millora. Ang matindi rito, ang ipinagmamalaki nilang ligal at may basbas ng PCSO na STL nila ay ginaga­mit para sa iligal na bookies ng STL na sinasabing front lamang ni Tata Jose M.

Hindi iniintidi ng grupo ni Tata Jose ang reklamo ng mga Pangasinense na lantaran ang operasyon bookies. Ang mga mayor ay nakiayon na rin sa mga nagrereklamo. Sa halip na mapunta kasi ang ilang porsiyento ng kita sa bulsa ng bayan, sa bulsa lamang ni Tata Jose pumapasok ang kabuu­ang kita ng operas­y­ong STL.

Ang masakit  pa rito, walang kaalam-alam ang kapu­li­san na ginagamit na pala sila ng nasabing sindikato dahil  sa patuloy na pagpoproteksy­on nila sa pagpapalaganap ng ili­gal na pasugalan.

Ayon sa source, ni sing­kong-duling ay walang perang pumapasok sa Local Government Unit ng Pangasinan mula sa kinikita ng STL kaya isa-isang nag-aalmahan ang mga alkalde na batikusin ang gobernador ng nasabing lalawigan ukol sa bookies ng STL.

SUGALAN SA BAGUIO CITY OKS KAY MAYOR       

Sa Baguio City naman,  kon­trolado pa rin ni alias OL­DAK ang operasyon ng iligal na pasugalan na drop ball at co­lor games nito sa may Otic St. na ilang metro lamang ang layo mula sa presinto ng pulis­ya ng Baguio City sa kabila ng maraming nagrereklamo.

Walang ginagawa si Baguio City COP Supt. Ranil Seculles sa patuloy na ope­rasyon ng drop ball at color games na halos abot lang niya mula sa kanyang tanggapan. Wa kita si hepe sa nagku­kumpulang mga sugarol sa pasugalan gabi-gabi.

Sa dako naman ng city hall, halos abot-tanaw rin ang pasugalan pero mukha yatang  may blessing mula kay Mayor Mauricio Domogan sa nasa­bing pasugalan.

 Kaya hindi niya ipinasasara ito sa kabila ng marami nang nagugumon na mga kababa­yan nito sa sugal.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa  09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected] o juande­[email protected].

-JUAN SABOG