May cardiovascular disease dapat magpabooster – PHA

May cardiovascular disease dapat magpabooster – PHA

March 3, 2022 @ 3:42 PM 4 months ago


MANIL,A Philippines – Nanawagan ang Philippine Heart Association (PHA)  sa lahat ng taong na-diagnose na may cardiovascular disease na kumuha ng COVID-19 vaccine booster shots, bukod pa sa pangunahing serye ng bakuna.

Ipinakita ng PHA president na si Dr. Gilbert Vilela ang datos na ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas noong Enero hanggang Oktubre 2021 ay ischemic heart disease, na sinusundan ng cerebrovascular disease na kinabibilangan ng stroke.

Pangatlo sa listahan ay ang COVID-19.

Aniya ang mga may heart conditions ay karaniwang nagpapakita ng simtomas.

“Pwede ka namang mild lang , pero if you have a severe mild condition, you usually get the more severe response to the COVID-19 infection,” ni Vilela sa  DOH forum.

Ganoon din aniya ang mga may diabetes, hypertension, at obesity.

“Ang heart disease at saka COVID-19 ‘pag pinagsama, it’s a perfect storm. Kaya po ang sinasabi namin sa aming pasyente sa Heart Center, magtago muna please para maligtas ang buhay at para hindi rin ma-exhaust ang healthcare workers at the healthcare system,” ayon pa kay Vilela .

Giit ni Viela, lahat ng COVID-19 vaccines at booster shots,anuman ang brand nito atly ligtas at epektibo kahit sa mga may  cardiovascular disease.

Hinikayat din nito ang mga may heart disease na huwag itanggi  ang kanilang sarili sa kalayaan mula sa COVID-19 sa pagtanggap ng primary vaccine series at booster shot.

“Merong rare cases of thromboembolism or myocarditis at dapat tinatanggap po natin talaga ‘yan, but we also confront the fact that there is overwhelming survival benefits ‘pag ikaw ay na-vaccinate. Yes, merong side effects, pero kaunti lang ‘yan. Rare,” sabi ni  Vilela

“Just like peace and war, health is a choice. Yes, may COVID. Yes, may giyera sa Ukraine, pero [yes, there is COVID-19 and Ukraine war but] you have to choose what is good for you. Vaccines and booster doses have been shown to be very good for us,” dagdag nito .

Sa kasalukuyan, nagbibigay na ang gobyerno ng ikatlong dose sa mga senior citizens at immunocompromised individuals, haba ng binibigay ang  booster shots ay binibigay sa mga nakakumpleto ng kanilang paunang doses- single para sa  Johnson & Johnson’s vaccine, double para sa ibang bands.

Higit 63 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 10 milyon indibidwal  ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Jocelyn Tabangcura-Domenden