May COVID-19 sa MARINA, 46 na

May COVID-19 sa MARINA, 46 na

September 15, 2020 @ 12:10 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umabot na sa 46 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maritime Industry Authority (MARINA).

Ito ay ayon sa inilabas na ulat ng MARINA kung saan 37 sa mga ito ang ganap nang gumaling habang ang 9 ay nanatiling aktibong kaso.

Ang sitwasyong ito ang nag-udyok sa ahensya na bawasan ang operasyon nito ng halos 50% at lubos na naapektuahn ang pagproseso ng mga aplikasyon ng mga marino na inilalagay sa pamamagitan ng mga online platform.

Sinabi ni MARINA Administrator Empedrad na hindi na kakayanin ng ahensya na magkaroon  ng COVID-19 infection na nakakaapekto sa mga empleyado dahil may kagyat na pangangailangan ang ahensya  na ibalik ang frontline services sa normal na operasyon.

“We can no longer afford to have COVID19 infections affecting our employees as there is now an urgent need for the Agency to restore its frontline services to full or normal operations.” ayon kay Empedrad. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...