May COVID-19 tumakas sa QC quarantine hotel, nadakma

May COVID-19 tumakas sa QC quarantine hotel, nadakma

July 23, 2020 @ 9:10 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadakma ang overseas Filipino worker na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) makaraang tumakas sa quarantine facility sa isang subdivision sa Quezon City.

“Tumakbo siya dito, hinabol siya dito ng mga boy saka ng babae… Nag-stay lang siya do’n sa damuhan hanggang dumating na ‘yong mga pulis may kasamang mga nakasuot ng PPE, kinuha na siya,” kwento ni homeowners association president Raul Sevilla.

“Apparently, this guest is part of the 75 COVID-positive asymptomatic [patients] who are all staying in that property,” lahad naman ni Tetta Tirona ng QC Tourism Board said.

“If you look at the hotel right now, there are no cordons anywhere. Constituents are walking within the two to three meters proximity to the entrance of that hotel.”

Ikinalungkot naman ito maging ng mga opusyal ng Barangay Greater Lagro.

“Area of responsibility po namin ito at kulang kulang 40,000 na tao ang nasasakupan po natin, so kung magkakaro’n man ng aberya diyan katulad no’ng nangyari na pagtakas takas ng ganiyan, hindi po biro ang pagkontrol ng sakit na ‘to,” ani chairman Leo Garra. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...