May edad 15 pataas maaaring pisikal na magrehistro ng nat’l ID – PSA

May edad 15 pataas maaaring pisikal na magrehistro ng nat’l ID – PSA

July 14, 2021 @ 4:17 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Maaaring pisikal na magpunta sa mga registration center ang mga may edad 15 hanggang 17 at 65 pataas upang magrehistro sa ikalawang step para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung saan pinapayagan ang “individuals 15 to 17 years old, and above 65 years old to leave their residence for the purpose of proceeding to registration centers of the Philippine Statistics Authority (PSA) for the Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration.”

Ang Step 2 ay ang pagkuha ng biometrics kaya’t kinakailangang personal na magtungo sa mga registration center.

Paalala ng PSA na kailangang patnubayan ng magulang o guardian ang mga menor-de-edad.

Maaaring mag-book ng appointment ng Step 2 online.

Mayroong 415 registration center sa 78 probinsya ang PSA. RNT/ELM